BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Friday, September 23, 2011

KAPAG BA INLOVE HINDI MAKAKAIN?

Noong naranasan kong mabroken hearted noong high school ako,
 sabi ko hindi na ako maiinlove sa mga guys!
 hindi ako masyadong umaaccept ng mga manliligaw,
 galit ako sa mga lalaki, pati style ko hanggang college,
boyish ako ng konti.wala akong crush kht noong first year college,
then, 2nd year college na kame, ang konti lang ng boys naming classmate,
then, (I forgot the month) Monday, 2:30 pm, room 322,
EDUC100 with Sir Dilla. assigning for the grouping sa FIELD nmin.
 at 10 kme sa group at thanks sa mga kagroup ko,
they trust me at ginawa akong leader, sb ni Sir, dapat daw my Asst. leader.
ang mga kagoup ko ang nagsulat ng name namin,
at ng binasa ni Sir kung tama raw ba na si Maria Cecilia Bajum ang Lider at
 si Julius Bill Tabita ang Asst. leader? nagulat ako sa klase
dahil nagpalakpakan sila at inaasar si jb, wala lang ako reaksyon dahil hndi ko alam ang dahilan.
 hanggang sa tinukso kame ni Sir, at namumula si jb nun ha.
 at naging sya ang  kasama kong pumunta sa West Central para
magdala ng letter para sa principal doon,
at para na rin makapagstart na kami magobserve.lagi na akong tinutukso ng mga classmate ko, l
along-lalo na si Toni, ang aking napakakulet na classmate.
lagi na akong sinasabayan ni JB na umuwi kapag hapon,
lagi rin niya ako hinahatd sa maingate kaya parang may nahalata ako at isang araw,
 sa time ng klase namin sa Educ100, habang wala pa si Sir,
kinukurot niya yung pisngi ko, e ayaw ko sa mga lalaki ng ganun ang ginagawa,
 kaya sinipa ko siya sa binti,  hindi ko akalain na napaiyak ko siya.
may pasa pala siya dahil sa taekwondo namin,kinabahan ako doon ah,
 pero ok lang, kasalanan niya naman un.nagsorry nalang ako.
palagi na niya ako hinahatid umwi kht gang maingate lang,
lagi ko na rin siya nagiging kgrup sa mga groupings sa mga subjects namin.
 kahit may miting ako sa dept. namin, khit gabi na ako umuuwi, hinihntay pa rn niya ako,
hanggang ngayong 3rd year na kme, nanliligaw pa rin siya,
nagpromise ako sa sarili ko na hindi muna ako magboboyfriend ngayong college,
 pero hiindi ko naipromise sa sarili ko na hindi ako maiinlove.
ganun pala sa love, kung sino yung ayaw mo, siyang binibgay sayo,
kung sino yung super pasaway, nagyoyosi pa,
napakabarkada pa na ugali na mga ayaw ko ay siyang katangian ni Jb,
 pero buti nalang ngababago na siya, ang hirap pala kapag pinipigilan mo
yung nararandamaan mo sa isang tao, pero ang dahilan ko naman kasi,
ayaw din naman talaga ni nanay ako na magkaroon ng bf, at naiintindihan ko yun,
 ayokong maging pasaway, at naniniwala ako na marami pang
mga lalaki sa mundo at may tao na nakalaan para sa akin pagdating ng panahon,
 kaya ang masabi ko lang, kahit pigilan mo pala ang nararndaman mo sa isang tao
at kahit napaka pasaway niya, pero lagi mo siyang kasama at nageefort naman talaga,
maiinlove talaga ako sa kanya. pero ngayon hindi ko maintindihan ang sarili ko,
 lagi ako nagagalit sa kanya, bakit kaya?

ayoko pa magboyfriend, makakapaghintay ka naman kung ako talaga ang mahal mo diba? haha...

HAY! lagi nalang ako hindi makakain lalo na kapag naaalala ko siya, so,totoo ba sa inyo na,

KAPAG BA INLOVE HINDI MAKAKAIN? :-)

0 comments: